The Rico Blanco Show

Di ako makapaniwala na mas uunahin ko pang sulatan ng blog si Rico Blanco kesa sa Eraserheads na favorite band ko.  Pero ano ngayon? Idol ko rin naman si Rico.  Unang kita ko pa lang magperform ang Rivermaya sa isang tv show hosted by late great Francis M, alam mo nang may ibubuga ang grupo.  Sa isang grupo bihira mo mapapansin ang mga ibang membro lalo na kapag malakas ang dating ng front man.  Pero ibahin natin si Rico, habang tinitira nya ang piano ng ULAN at binabanatan ang vocals ng BRING ME DOWN, alam mo na balang araw SISIKAT yan.   Di naman tayo nagkamaliKanta dito kanta dun award dito award dun.  Isama mo pa mga endorsement at mga philantropic activities nyaPag sinabi mong RICO BLANCO, maiisip mo agad OPM hits, OPM hits.

Out of nowhere, naisip ko lang bigla na isa na palang music icon si RICO, pang hall of fame.  Akala ko nung iniwan niya ang Rivermaya, nagkamali siya ng desisyon.  Mali ako, mas lalong lumutang ang pagiging artist niya.  Mas napuna ang galing niya.  Yung musicality, yung vocal range at yung iba pang talents (pagsayaw ha ha).  Naimpress ako sa bago niyang album.  Lalo na sa kantangayuz na”, which is my feel good song this 2010.  Medyo kakaiba lang yung lyrics pero yung melody mapapasayaw ka talaga.  Di ako mahilig bumili ng original album pero I guess this time kaylangan magkaron ako ng original cd ni RICO na Your Universe.  Para balang araw mapagmamalaki ko na meron akong isa sa greatest albums of all-time.

Kwento ko lang! Isang tuesday nung september 2009 (weeks before Ondoy), kanta ako ng kanta ng “Antukin” before ako pumunta ng RFM Gym sa Pioneer.  Nung nasa RFM Gym na ko, I was shooting around and bigla kong nakita si Rico Blanco sa tabi ko, naliligaw ha ha!.  Siyempre di naman ako yung tipo na “idol idol!”. Kwayet lang ako kasi di ko alam sasabihin . . nagiisip . . si Rico ba talaga ito .. siyet siya nga pero habang narealize ko yun papalayo na siya at papunta sa tamang basketball court.  Pinanood ko siyang maglaro, ayuz lang, mas magaling pa ko ha ha pero pwede naman . . simple lang gumalawNakakatuwa lang kasi matagal ko na siya gusto makitang magperform.  Di ko na siya nilapitan, naniniwala kasi ako na sa lugar na yun parepareho lang kami na basketbolista na gusto maglaroAyoko ko siyang istorbohin parang hindi proper venue.  Pero isa lang masasabi ko wala naman siyang ere.  After the Ondoy, di ko na siya nakita maglaro dun, naging busy na yata.

Balang araw pag tumanda na ko, alam ko na kakantahin ko pa rin ang mga kanta ni Rico  Blanco, kakantahin pa rin to ng mga anak ko sa asawa ko at ng mga apo ko at ng libo libong PilipinoSabi nga nila, the man will die but the legacy will last forever and ever and ever and ever! ROCK ON!

Pahabol Blog:

Bili na kayo album.  Suportahan natin ang OPM

Advertisements

~ by Road to Relevance on January 12, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: